10.31.2009

dunkin aral moments

june 2009 nang magsimulang pumasok ang panic mode na dulot ng bar exams. tatlong buwan na lang bago magseptember, hindi pa ako tapos sa first reading. iniisip ko, kailangang magpuyat para matapos ang dapat tapusin. hence, the hunt for the nearest 24-hour food place, na mura lang pero masarap ang pagkain.



dito ko narediscover ang dunkin donuts sa aurora. walking distance lang from the house. mura at masarap ang food, may cr na, at libre pa ang water at aircon. higit sa lahat, wala akong kakilala!

mahigit tatlong buwan din akong halos araw-araw na tumambay sa dunkin. noong una, magdamagan. pero nung papalapit na ang bar exams, sinimulan ko ng 7:30am hanggang mga 11 ng gabi. uwi lang for lunch at dinner. minsan, sa sobrang desperation, dun na rin ako bumibili ng lunch sa nagdedeliver para sa crew. at ang alas11, nagiging alas dose o ala una, hangga't di pa sumasakit ang ulo ko.

sa tagal ng pinalagi ko dun, nakilala ko na rin ang mga staff. alam ko kung kelan nagsisimula at nagtatapos ang shift nila, kung kelan nakastraight na dalawang shifts sila dahil walang kahalili, at kung kelan merong hindi makakapasok.

sila din, alam na rin nila na hindi ako nagkakape, walang yelo ang tubig ko, at pine-orange ang gusto kong juice. minsan, nagtatanong din sila kung bakit ako absent sa dunkin.

sa maiiksing panahong nagkakausap kami ng crew, kahit papano may alam na rin ako nang konti sa mga buhay-buhay nila. may isang nagpapaaral ng kapatid, may working student at may isang nurse na at nagtitraining pero tuloy pa rin ang trabaho sa dunkin. karamihan sa kanila, kinailangang huminto sa pag-aaral at tumulong sa pamilya.

sabi ng isang crew minsan, "sir, ang swerte n'yo naman, wala kayong problema." napaisip ako: ang bar exams, hindi ba problema yun? hindi ko nga alam kung pano tatapusin yung mga binabasa ko at kung pano isisiksik lahat ng nabasa ko sa munting utak ko.

pero kung titingnan mo nga naman, hindi siya problema. isa syang pagkakataon, pagkakataon na mapatunayan mong karapat-dapat kang maging abogado. kung problema man yun, definitely not in the same league ng problema nila. funny, kasi for a bar examinee, ang mundo ay nakaikot sa bar exams. pero hindi naman tumitigil ang mundo sa pag-ikot para sa iba. at may iba pang mas higit na suliranin.

naisip ko rin, kung yung crew halos walang kapaguran na pumapasok 6 days a week, doing physical work for 8 hours straight, or kung minsan, 16 hours straight, anong karapatan kong mapagod at magtamad-tamaran e nagbabasa lang naman ako, kumakain, at nakikinig sa music? anong karapatan kong magreklamo sa five months of solitude, a.k.a. bar review, e hindi naman lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon?

wherever i am now, i'm lucky to have gotten this far. it would be an injustice to waste this opportunity by not making the most out of it. siguro i just needed some donuts and new acquaintances to remind me of that.

para sa crew ng dunkin, salamat sa pagdamay sa puyatan at sa magdamagang/buong araw na aralan. hindi ko na kayo maaabutan pag-uwi ko sa january dahil most of you endo na, at malamang hindi niyo to mababasa, pero salamat dahil hindi ko alam kung pano ko malalampasan ang bar review without your help, just by being nice and by being there.

at para sa ating lahat: sa crew, sa mga kasabay kong nag-aaral sa dunkin, at sa mga kasama kong nagtake ng bar exams, isang taimtim na panalangin: that someday, we get to live the good life that we all deserve.



dunkin crew (june to october 2009): ma'am agie, sir franz, ma'am april, sir ron, sir nhardz, paul, marvin, zoren, deza, joli, mar, osang, gene, tin, dhen, laine, jezza, anne, joseph, je, jhaytee, mikki at dalawang kuya guards.

mga nag-endo na: lorie, rj, philip & dy

mga nagresign: lablet, mhong at iba pa.

..........
more pics at: driven 2