10.28.2005

tipsy, not drunk but ecstatic

the other day, i received one of the best remarks a prof has ever told me. sa likod ng bluebook ko sa crim:

"One of the joys of teaching is coming across a very well-written examination booklet--yours is!"

wow, lumulutang na ko sa ere. pasensya na, lakas ng hangin these days no? natuwa lang talaga ako. parang lahat ng pagod ko nagpay-off. i didn't know i have a criminal mind pala.

but that was just the start. magdamagang videoke/movie marathon/poker night after kina bok. linashing lang naman nila ako. we had this card game na kapag nakabunot ka ng King, pipili ka ng iinom. as usual, perennial ako ang pinapainom with matching cheering squad.

blockmates: sprite lang yan.
ako: bakit parang may something bitter?
blockmates: lemon lang.
(chorus: buti na lang tanga!)
ako: gulp, gulp

nakalimang turns yata ako with that weird sprite. kung mamalasin (o suswertehin) ka nga naman, alas pa nabunot ko. tequila! 2 beses pa. nang maubos ang tequila, vodka naman. pinagpapawisan na nga ako, nag-iinit pa. wala nang natirang kahihiyan sakin. di naman nagdilim paningin ko pero parang movie ang paligid ko. 24 (o 30?) frames per second. weird. they all felt so unreal.

anyhow, eto excerpts from the block email (courtesy of ryan b, formerly of kule):

block get-together at bok's: COMMENTARIES AND JURISPRUDENCE
FELONY NIGHT

case7: In re navallo. muli, nalasing na naman po si
jobert sa iced tea kaya nahumaling siya sa pagkuha ng
pictures, including pictures ng mga paa ng mga
tao. kinuhanan din ng litrato sila lora and bridge na
kunwari ay lusting over steve the muscleman. ang
naturang picture ang gagamitin sa cover ng album ni
steve entitled "bitter no more".

case9: navallo v. reyes et. al. sa isang card game cum
drinking session na pinangunahan ni quino as principal
by induction at sinegundahan ng lahat, particularly
ni bridget as principals by indispensable cooperation,
nalasing si jobert. everytime na mabunot ang card na
"king", ang nakabunot ay malayang pipili kung sino sa
grupo ang iinom ng shot ng vodka with sprite. sa isang
undeniable indication of conspiracy, lahat ng
nakabunot ng king ay si jobert ang pinaiinom.

case10: navallo v. reyes et. al. (part 2, a la
francisco v. house) muli, sa isang game na
pinangunahan ni quino as principal by induction at
sinegundahan ng lahat as principals by indispensable
cooperation, mas lalo pang nalasing ang lasing nang si
jobert. sa isang a la truth or dare na game, lahat ng
tao ay magsasabi ng isang bagay na nagawa na nila (o
hindi pa nila nagagawa) at lahat ng tao sa grupo na
hindi pa nakakagawa (o nakagawa na) nun ay
iinom. narito muli ang transcript:

conspirator: i have never performed ________
jobert: glug glug glug (umiinom)

conspirator: i have ______ somebody else's ears
jobert: glug glug glug (umiinom uli)

conspirator: i was able to _____ with somebody in a
public place
jobert: glug glug glug (umiinom pa rin)

gaya ng naunang game, the actions of the accused
demonstrate a unity of action geared towards the
common purpose of intoxicating jobert, which brings us
to the next case...

case11: people v. navallo. all hell broke loose sa
kwarto ni bok dahil sa videoke challenge na
pinangunahan ni jobert. salitan sa pagwawala este
pagkanta sila jobert, andre at martin. pero siyempre si
jobert pa rin ang nanguna dahil nga sa mitigating
circumstance of intoxication, na na-offset din ng
aggravating circumstance of performing a felony in a
place of worship. opo, na-transform ang kwarto ni bok
into a religious place dahil kumanta si jobert ng
isang religious song, although ayaw niyang maniwala
nung una. narito muli ang transcript:

videoke monitor: "gaya ng dati by gary valenciano"
ryan b: jobert religious song yan a
jobert: (lasing voice) hoy hindi naman yan religious
song no. hindi kaya hindi kaya.hindi yan religioush
shongg...
jobert: (kanta kanta kanta)
videoke monitor: (patapos na yung kanta) "panginoon,
ako'y nabulag ng mandarayang mundo/ ako ay patawarin
mo/ mula ngayon ang buong buhay ko'y iaalay sayo/
gamitin mo ako/ gaya ng dati"
jobert: (nagugulumihanan) ay, bakit nga may
"panginoon"?

but it's too late, jobert, it's too late.

..........
ang saya ng block overnight. sana nga ay patawarin ako sa mga kasalanan ko huhu.

No comments: