i take my word back. nag-enjoy naman ako kahit papano kagabi. session road played suntok sa buwan (at least the songs didn't sound foreign anymore). then kitchie was there. and barbie.
was surprised to find out that some of the songs of the speaks were a bit familiar. may version nga sila ng bizarre love triangle. ok, so nakikanta na rin ako. naki-headbang? nah, didn't go that far.
pardon the previous post. pano ba naman kasi, i've never heard of the first few bands: kinky hooters (rhea: what kind of band would name itself as such?), join the club (my brother says they have 1 song which sounds like la lopez singing emo--err, what's emo?), rocksteady, etc... then again, kailan ba ako nakinig ng rock music? pop rock pwede.
the concert ended at 1 a.m. but of course, di kami umuwi kaagad. may star-gazing pa. :=) was with my cousins so hinintay ko pa ang kanilang photo-op. sa loob-loob ko, kawawang mga artista, walang choice kundi mag-oblige. sino ba kasing may sabing may right na ang mga tao na makipagpicture dahil lang artista sila? besides, tao lang din sila, napapagod.
pero nang magsimula nang magbilang...1,2...aba e kumaripas na rin ang takbo ko para mapasama. kung sa bagay, artista pa rin yun.
kaya naman nang magtext ako kay rhea at hindi nagreply...
j: (text) galit ka ba?
maya-maya, tumawag.
r: ba't naman ako magagalit?
j: di ka nagreply e.
r: nagtatrabaho po ako. may kasalanan ka no?
j: uhm, kinamayan ko si barbie kagabi.
r: sabi na nga ba guilty.
j: at nagpapicture kami. kay izza calzado din. pero sumama lang ako.
r: haha sige na magtatrabaho na ako.
j: sori na...
oh well, kapag guilty, wag na magtext.
..........
sarap ng sembreak. too bad di natuloy yung panonood ng pba game namin kanina. andun si kris aquino bwahaha. (joke lang ha. yung laro naman papanoorin namin siyempre.)
No comments:
Post a Comment