11.03.2005

lampley saves the day for ginebra

sa wakas, natuloy rin ang panonood naming magkapatid at magpinsan ng pba. wednesday afternoon nang magkita kami sa cuneta (hindi pa talaga nagsabay). 5 pesos lang daw ang ticket sa general admission sabi ng kapatid ko kaya ang kuripot na kuya nanlibre. well, pati pagkain sagot ko na rin.

dahil nga 5 pesos lang ang ticket, walang matinong upuan. palipat-lipat kami, nang-iistorbo pa sa mga nakaupo sa bleachers, para makahanap ng magandang pwesto. alas singko pa lang, 90% full na ang cuneta. effective nga naman ang marketing strategy nilang ito. maglalaro rin kasi ang ginebra.

at dahil nga 5 pesos lang, nasa tuktok na kami. ok daw yun, kitang-kita buong court. eto naman si tanga, kinalimutan ang eyeglasses. all i could see were numbers running back and forth. i kept asking my brother kung sino si player 17, 7, 47...buti na lang sampu lang sila on court.

medyo uneventful ang match between alaska and red bull. red bull led during the 1st half pero tinambakan na ng alaska towards the end. maglalast 2 minutes na, gumawa pa ng eksena si pennisi. pano, he failed miserably to follow-up a shot kaya binalibag si allado, sending the poor guy crashing to the ground. (wawa naman, kakadonate, este kakabigay lang ng magarang bahay kay maricar de mesa). syempre, sumugod itong si allado pero si villanueva ang sinuntok (nakaharang kasi). sinuntok naman ni cruz si allado kaya labo-labo na. nagtayuan ang lahat. BOXING! BOXING! mga pinoy talaga violent.

na-eject tuloy itong si allado at cruz. si pennisi? parang walang nangyari. moral of the story: pag binalibag, wag gumanti and don't lose your poise. sabi nga ni tim cone: "he (allado) lost his poise for a minute." aba, miss universe ba ito?

by 7:30 p.m., nag-uumapaw na sa tao ang cuneta. lakas talaga ng powers nitong si caguioa. daming fans. tawag sa kanya, buwaya. sinosolo ang bola. but to his credit, he delivers naman e. kaya naman may nagsabi, wag naman buwaya. alligator naman. (duh?)

lamang ang ginebra halfway thru the game. sa halftime, would you believe andun na naman ang the speaks. as if the saturday concert were not enough, sinundan na naman nila kami. may pagkastalker din tong mga to no?

too bad the crowd didn't seem to like their music that much. nang kumantang "yeah, yeah," sagot nung nasa likod namin: vonel.

nakahabol din naman ang san miguel sa third quarter and led by more than 10 points going into the last few minutes of the fourth quarter. ginebra slowly inched closer hanggang sa apat na lang ang lamang nang mag-last 2 minutes.

nagpanic ang san miguel. tira nang tira mula sa three-point area; panay naman ang mintis. takbo agad ang mga gin kings sa kabilang dulo ng court. pasa...pasa...shoot...sablay.

hill (sanmig import) gets the rebound and makes a wild pass to racela at the other end of the court...oops, napasobra ata. racela runs after the ball...run, olsen, run...and olsen jumps over the lazy, err some press people at sumemplang dun sa harap ng ilang screaming fans.

balik sa ginebra ang bola. shoot...ayaw. shoot pa uli, ayaw. tapik...tapik...someone gets the ball at binato ang bola kay adducul. oops, ang sakit nun. teka, basketball pa ba to?

to make the long story short, lalo pang uminit ang laban nang pumasok ang shot ni rodney santos of ginebra. game tied at 72 with 59 seconds left. nabuhayan ng loob ang mga ginebra fans. GI-NEB-RA! GI-NEB-RA! GI-NEB-RA! Sa lakas nang sigaw, napaiyak tuloy ang bibong-bibo at cute na cute na little girl sa tabi namin. (ang bata-bata pa kasi, kung anu-ano na pinapainom.)

sa san miguel na uli ang bola. dala siguro nang matinding kaba, di pumasok ang shot ni dondon hontiveros. ginebra gets the rebound and the crowd goes wild. nagtayuan ang lahat. lalo pang lumakas ang cheer kahit pa tumawag ng time-out ang ginebra.

18 seconds left in the ballgame. hawak ni lampley (ginebra import) ang bola. nagdribble nang nagdribble at nagdribble uli for god knows how long. 5 seconds, 4 seconds, 3...lampley makes his move, throws the ball into the air...toink, toink as the ball hits the rim, at PUMASOK ang bola sabay tunog ng buzzer! naghiyawan uli ang mga tao. lampley saves the day for the gins! hindi naman pala siya lamp-a afterall.

what a way to end the game. what a way to end the night! alas diyes na, gutom na gutom na kami pero game na game pa rin.

finally, naenlighten din ako kung bakit the 5-peso seat near heaven was worth it. first time kong makakita live nang lumilipad na bote ng viva mineral water. bote na lang talaga dun kami umupo. bote nga hindi bote ng ginebra ang binato.

on the other hand, nung palabas na kami, siksikan at halos tulakan papalabas sa dami nang tao. kalahati ata ng male population andun na. ang tindi pa ng init. para kaming nileletson while marching down to hell. at ang amoy, hmmm, halu-halo. sabi nga ng kapatid ko, "ang lakas. di kaya ng tawas."

nanalo man ang ginebra at natalo ang san miguel, si danding pa rin ang yumayaman. aba, sa lakas ng benta ng viva mineral water, coke at purefoods tender juicy hotdog, di hamak na milyones na naman ang kinita.

ako naman, heto broke. 5 pesos nga lang ang ticket, 500 naman ang pagkain.

who cares anyway? ang importante, we had a blast. i never thought watching the pba could be this fun.

..........
Menk: PBA. Leban kung leban.

No comments: