12.18.2005

the block christmas party

the block christmas party was simply awesome.

alas singko pa lang ng hapon, di na mapigil ang urge na kumanta kaya nang ilabas ang videoke machine (the one na hinuhulugan ng singko), sinimulan na namin ang kantahan. hindi na nagtagal, umiyak na ang langit.

at dahil gutom na si judith, pinahaba pa namin ang kanyang pagdurusa. games muna, featuring the different digest pools. disqualified by default ang consti team dahil 2 lang sila (actually konti lang sila at late ang iba). cheer ng oblicon este the OC team: go labitag! di naman nagpatalo ang crim team. true to their very nature, dumadagundong na, T-Teh! T-Teh! T-Teh! ang kanilang sigaw. (para sa mga kids, no pun intended. Theodore Te kasi ang pangalan ng prof namin sa crim).

kami naman sa legal profession at legal theory team, di nagpatalo sa ka-dorkyhan. churiprof, churiprof, churi churi churi prof. how creative. (word check: ang churi ay galing sa salitang theory na pinauso ng aming presidenteng si jerome habang nagrerecite sa klase. sa sobrang tuwa namin, naging bukambibig na ng lahat. ang slogan ng legal theory digest pool ay: walang churi churi. and btw, si jerome din ang dahilan kung bakit ang spaniards ay speyniards na. peace mr. president! our loyalties are with you!)

first game: message relay thru mouthing of words. sa di malamang kadahilanan, ang tagalog na message--which goes something like: inokray ni ma'am feliciano ang red pants ni judith na binili niya sa kanto ng divisoria at cm recto sa isang tinderang nagngangalang antonia tulaylay--ay naging ingles pagdating sa'kin: prof. feliciano and judith wearing red pants--hindi man lang siya sentence! Panalo tuloy ang OC team courtesy of judith. dapat talaga inimport naman si franzen!

but wait! there's no such thing as kanto ng divisoria at recto dahil divisoria is not a street! judith for the defense: substance is immaterial because the procedure has been followed. teka, parang iba yata alam ko... a basta, kainan na!

masarap ang kainan courtesy of resident chefs andrei, gil and others. healthy dahil panay pasta, chicken and fruits. ito na ata ang pinakasosyal na christmas party na napuntahan ko. walang rice!

matapos magpakabusog, videoke challenge na. bagay na bagay daw sa crim team ang kantang hey jude--true to their hooligan nature. for that, 98 sila. i will survive naman ang hirit ng OC team--survive the antok kay labitag (dagdag mo na si sison). 98 din sila! nadefault na naman ang consti team sa kakapili ng kanta. wala raw kasing "halik" sabi ni carol.

patindi nang patindi ang pressure. pati ba naman sa pagpili ng kanta may time limit. sabi ni vani, sexbomb na lang kantahin natin. sabi ko, puro kc sex nasa utak mo (hehe, kidding). sabi niya, di ah, may bomb din. kaya para safe, toyang na lang kinanta namin. kaya lang, parang tama si vani. sana sexbomb na lang. kinapos, 96 lang kami. hay...t'was the saddest loss.

we swore babawi kami sa charade. but no, crim team na naman nanalo. malay ba namin na may pinoy movie palang "paru-parong ligaw sa bukid na basa." kahit binuhos ko na ang beer, di kinaya. haay...wala, talo kami!

senti moments with message signing followed. thanks guys for the heart-warming messages na may kasamang pangaral. from dave: jobert, words are not bastos. it's in how you use them.

then exchange gift na! got 5 books from ryan, the chief justice. happy! sobrang torture siguro para sa kanya ang pumili ng libro for me. i change my mind all the time...ito, yun, gusto ko yan.

t'was close to midnight already when some people started leaving. but those who stayed, myself included, were bent on disturbing niño's neighbors. kantahan uli. imagine 20 people around the videoke machine singing at the top of their lungs:

iba na ang 'yong tingin, iba na ang 'yong ngiti
nagbago nang lahat sa'yo...

hindi pa kami lasing nun! (the neighbors must have been cursing us.)

this went on for the next two hours, hanggang sa unti-unti kaming napagod. we watched "my little bride" instead. t'was cute and fun pero bitin ata.

finally got some sleep. we left nino's place at 6 a.m. without paligo and all. what a night it was.

salamat niño and the november-december birthday celebrators for hosting the party! next year uli.

..........
christmas break na!

No comments: