madness to the max kagabi sa malcolm shortly after the lantern parade. kantahan, sayawan at comedy circa '80s ala-that's entertainment. may surprise interview pa with kuya germs!
pero ang pinaka-highlight ng gabi: ang pang-ookray sa mga prof. gumugulong kami sa kakatawa habang kumakanta ang mga 4th years:
(toyang)
pig, pig, pig, mukha kang pig
cow, cow, cow, isa kang cow
makakakuha nga ng lyrics nun.
pamatay din ang impersonation ng third year, at syempre ng mga freshies.
pinakapanalo sa lahat--ang darts game! payback time for students na siningko, kinwatro, at sabi nga nung isa, hindi pinayagang magCR ng mga terror profs. too bad i didn't have the guts na tirahin ang isa sa kanila (pictures lang naman). hmmm...wag naman sanang magkadahilan ako next year para sumali sa darts game na yan.
in the end, over-all winner ang mga 4th years dahil sa ipinamalas na katapangan. we came in 2nd, salamat sa mga nagsipagperform especially sa seatmates kong sina epater (na feel na feel ang sayaw with matching bounce sa bawat galaw) at carol (oh carol hehe).
2am na ako nakauwi kanina. what a long day it was. 4am na ko natulog kahapon dahil sa kakaaral sa consti na yan (buti na lang inspired kung hindi...kasi naman lantern parade na may pasok pa!)
speaking of lantern parade, ayos naman. marami rin namang tao nagpunta although it was not as fun as last year. wala na kasing performance at recycled ang parol. got to meet some masscomm folks (na ang haba ng nilakad--from music to quezon hall...di man lang pinagpawisan). kakamiss.
and no, we didn't watch the oblation run (na balita ko e may mga babae daw na tumakbo--at bakit naman insulto yun para sa apo?). instead, me and my dorky blockmates (more than 10 of us) went bookstore hopping sa libis pang-exchange gift. i remember last week, that's the same thing we did after eating lunch. hay... iba na talaga pag dorks mga kasama mo hehehe. where you belong... (joke lang 1B ha).
meanwhile, time to party! inuman na naman mamaya (grrr...baka ano na naman mangyari sa kin...). oh no, wala pa kong pambalot sa gift ko!
..........
merry christmas everyone!
3 comments:
Aba, teka muna.
Sino ba dito yung napakabagal mamili ng libro kaya nagtagal tayong lahat sa bookstore? :P
So dorky. Pati ba naman sa pagiging dorky e competitive pa rin? :D
Good design!
[url=http://piezynwc.com/vrnj/corr.html]My homepage[/url] | [url=http://rjouxahq.com/ahyt/nevs.html]Cool site[/url]
Good design!
http://piezynwc.com/vrnj/corr.html | http://hemvaxog.com/slvg/trkq.html
Post a Comment